Wednesday, January 20, 2021

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 2 (Health 2) ARALIN 3: Pangangalaga sa Ilong

 

INAASAHAN • Natutukoy ang wastong pamamaraan sa pangangalaga sa ilong. • Naibibigay ang kahalagahan ng wastong pangangalaga ng ilong. Maikling Pagpapakilala ng Aralin Ang Ilong Ito ay bahagi ng ating katawan na ginagamit natin para tayo ay makahinga at ginagamit din natin ito bilang pang-amoy. Maaari ito makalanghap ng mabango o kaaya-ayang amoy at mabaho o di kaayaayang amoy.



Pangangalaga sa Ilong Narito ang ilan sa paraan kung paano natin pangangalagaan ang ating ilong. 1. Ugaliin na palaging linisan iyong ang ilong gamit ang malinis at malambot na tela. 2. Iwasan ang paglalagay ng anumang bagay sa loob ng ilong. 3. Kapag may sipon suminga ng dahan-dahan gamit ang malinis na panyo o tela. 4. Huwag singhutin ang mga kemikal na may matatapang at hindi kaaya-ayang amoy. 5. wasan ang mga mausok, maalikabok at mabahong lugar. Takpan ang ilong kapag ikaw ay nasa mga lugar na ito TANDAAN Ang ilong ay bahagi ng ating katawan na kung saan tayo ay humihinga. Ito rin ang ating ginagamit upang tayo ay makaamoy. Mahalaga na panatilihin nating malusog ang ating ilong sa pamamagitan ng madalas na paglilinis nito at pagiwas sa paglanghap ng mabaho at masangsang na amoy. #DCSweet





Powerpoint FREE Download here

No comments:

Post a Comment