Showing posts with label #Mapeh2. Show all posts
Showing posts with label #Mapeh2. Show all posts

Monday, February 01, 2021

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 2: Quarter 2 Week 5 ANG AKING BIBIG AT NGIPIN: KAPWA MAHALAGA

 EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 2: Quarter 2  Week 5 ANG AKING BIBIG AT NGIPIN:  KAPWA MAHALAGA



Ang ating bibig ay mayroong iba’tibang bahagi at gamit. Tingnan ang larawan sa ibaba.


Mayroong apat na pangunahing bahagi ang ating mga bibig.

1. labi- ito ay ginagamit upang hindi makapasok ang mga dumi sa loob ng ating katawan 
2. dila- upang malasahan ang ating mga kinakain 
3. ngipin- upang manguya natin ang ating mga pagkain
4. gilagid- ito ang nagbibigay ng proteksiyon sa ating mga ngipin 









PAKI edit na lang po ang mga kopya ninyo if may mali. salamat.
















Tuesday, January 26, 2021

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 2 ARALIN 4: PANGANGALAGA SA BALAT AT BUHOK

 INAASAHAN 

• Natutukoy ang wastong pamamaraan sa pangangalaga sa balat at buhok.

 • Naibibigay ang kahalagahan ng wastong pangangalaga ng balat at buhok.



Maikling Pagpapakilala ng Aralin 

    Ang balat at buhok ang pinakamalaking bahagi ng ating sense organ. Ang balat ay ang bumabalot sa ating buong katawan. Sila din ay nagsisilbing proteksyon sa ating kapaligiran. Ito ang nakadarama ng mainit at malamig, malambot at matigas, at makinis at magaspang.


Mga Pamamaraan sa Pangangalaga sa Balat at Buhok

1. Maligo araw-araw.

2. Patuyuin ang buong katawan at buhok gamit ang malinis na tuwalya at suklayin ang ating buhok

3. Ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig.

4. Magsuot ng proteksyon sa balat at buhok laban sa matinding sikat ng araw gaya ng payong at sombrero.

5. Kumain ng masusustansiyang pagkain.

6. Gumamit ng hindi gaanong matapang na sabon at iba pang produktong pangbalat.

7. Magpalit araw-araw ng malinis na damit. Labhan at patuyuing mabuti.

8. Iwasan ang manghiram ng personal na gamit gaya ng suklay, damit at tuwalya


Free Powerpoint Download


CLICK HERE

NoteL Paki edit na lamang po if may makita po kayong kamalian. MInsan po kasi mabilisan ang paggawa ko. Maraming salamat sa pang unawa. 

Wednesday, January 20, 2021

EDUKASYONG PANGKALUSUGAN 2 (Health 2) ARALIN 3: Pangangalaga sa Ilong

 

INAASAHAN • Natutukoy ang wastong pamamaraan sa pangangalaga sa ilong. • Naibibigay ang kahalagahan ng wastong pangangalaga ng ilong. Maikling Pagpapakilala ng Aralin Ang Ilong Ito ay bahagi ng ating katawan na ginagamit natin para tayo ay makahinga at ginagamit din natin ito bilang pang-amoy. Maaari ito makalanghap ng mabango o kaaya-ayang amoy at mabaho o di kaayaayang amoy.



Pangangalaga sa Ilong Narito ang ilan sa paraan kung paano natin pangangalagaan ang ating ilong. 1. Ugaliin na palaging linisan iyong ang ilong gamit ang malinis at malambot na tela. 2. Iwasan ang paglalagay ng anumang bagay sa loob ng ilong. 3. Kapag may sipon suminga ng dahan-dahan gamit ang malinis na panyo o tela. 4. Huwag singhutin ang mga kemikal na may matatapang at hindi kaaya-ayang amoy. 5. wasan ang mga mausok, maalikabok at mabahong lugar. Takpan ang ilong kapag ikaw ay nasa mga lugar na ito TANDAAN Ang ilong ay bahagi ng ating katawan na kung saan tayo ay humihinga. Ito rin ang ating ginagamit upang tayo ay makaamoy. Mahalaga na panatilihin nating malusog ang ating ilong sa pamamagitan ng madalas na paglilinis nito at pagiwas sa paglanghap ng mabaho at masangsang na amoy. #DCSweet





Powerpoint FREE Download here