INAASAHAN
• Natutukoy ang wastong pamamaraan sa pangangalaga sa balat at buhok.
• Naibibigay ang kahalagahan ng wastong pangangalaga ng balat at buhok.
Maikling Pagpapakilala ng Aralin
Ang balat at buhok ang pinakamalaking bahagi ng ating sense organ. Ang balat ay ang bumabalot sa ating buong katawan. Sila din ay nagsisilbing proteksyon sa ating kapaligiran. Ito ang nakadarama ng mainit at malamig, malambot at matigas, at makinis at magaspang.
Mga Pamamaraan sa Pangangalaga sa Balat at Buhok
1. Maligo araw-araw.
2. Patuyuin ang buong katawan at buhok gamit ang malinis na tuwalya at suklayin ang ating buhok
3. Ugaliin ang pag-inom ng maraming tubig.
4. Magsuot ng proteksyon sa balat at buhok laban sa matinding sikat ng araw gaya ng payong at sombrero.
5. Kumain ng masusustansiyang pagkain.
6. Gumamit ng hindi gaanong matapang na sabon at iba pang produktong pangbalat.
7. Magpalit araw-araw ng malinis na damit. Labhan at patuyuing mabuti.
8. Iwasan ang manghiram ng personal na gamit gaya ng suklay, damit at tuwalya
Free Powerpoint Download
NoteL Paki edit na lamang po if may makita po kayong kamalian. MInsan po kasi mabilisan ang paggawa ko. Maraming salamat sa pang unawa.
No comments:
Post a Comment